Naniniwala ako sa kasabihang "Communication is Susi"
For the past 2 months nagiging redundant na ito 🤣, lagi ako nagbabasa sa mga whitepapers ng Hive Blockchain, Tokens at sa mga articles ng HivePH. Inuulit ko marami ako natutunan (ganito pala ire ganito pala siya). Hindi ako nahihiyang magtanong kung hindi ko naiintindihan yung nabasa ko reminder binasa ko ha. Itatanong ko yan sa mga OG dito isa na diyan ang mga miyembro ng @team-philippines at si @ecoinstant. Sa panonood naman or pakikinig (podcast) natuto ako sa #HHHLive ni @ph1102, kung wala kayo time kasi late na meron siyang rebroadcast after the event the next day or puwede kayo magjoin sa Discord channel ng @ecency. Nagaanounce siya sa general chat English or sa event chat every Wednesday at around 12:00 am PH time before magstart. Siyempre si Sir Idol Mr @guruvaj, every Sunday meron siyang live multi stream stream. Hindi rin mawawala ang HivePH articles ni @adamada Links below.
https://www.facebook.com/rmcatajay
https://peakd.com/@adamada Mga articles na helpful para sa inyo, Liquid Hive, PHPC, HivePH Initiatives at siyempre yung mga Anime Plots <-- gusto ko ito.
THE ELEPHANT IN THE ROOM!
I'm sharing the information that I gathered so far dahil alam ko malaking tulong ito para maintindihan ninyo ang Hive Blockchain at ano ang nangyayari sa paligid natin. Hindi ko po sinasabi na alam ko na lahat nagshashare ako ng information sa inyo dahil nagubos ako ng sarili kong TIME para malaman ang mga natutunan ko. Naka highlight ang time kasi ang pinaka importane sa akin ang TIME! Kung bibigyan ninyo ng oras ang pagbabasa or pakikinig malaking bagay ang kapalit nito. Ang mga sagot sa iniisip ninyo habang binabasa ninyo ito ay nasa harap niyo na "The Elephant in the room" ika nga nila.
Intellectual Laziness!
Nagtataka kayo bakit hindi natin makita ang Elepante? Dahil tamad tayo matuto, examples bahala na bukas, may bukas pa at mamaya na yan marami akong oras. Ano nga ba ang mga dahilan nito IMHO napakalaking bagay ang social media umaagaw ito ng attention natin (reels, shorts bla bla bla bla). Kapag naagaw ang attention natin nawawalan tayo ng oras para sa napaka importanteng bagay ang matuto. Matuto = skills.
PERA aspect.
Paano ba magkapera? Marami sa atin yan ang tanong dahil karamihan sa atin ay pinanganak ng walang Iphone kabilang na po ako doon. Gusto mo magkapera edi pagaralan mo, If you want wealth study wealth.
Nabasa ko ang 2 rant articles about HivePH at napansin ko din ang pagbaba ng mga articles tuwing down ang Hive. Kapag tumataas ang Hive naku po sandamakmak na articles ang mababasa mo. I will be honest here nandito po ako para sa pera kagaya ninyo, 14years na po ang experience ko sa crypto. Hindi po ako expert sa crypto, businessman po ako pinagaralan ko po ang pera. Hindi po ako mayaman money wise mayaman po ako sa kaalaman sa mga experience sa buhay. 43 years old na po ako nag start po ako kumayod 12 years old palang bote bakal and I'm proud of that, nagtinda ng ice cream, nagtinda ng paputok noong hindi pa bawal, nagtrabaho sa motel bellboy at 16 years old, nagtrabaho sa non-life insurance for 16 years and now nagsusulat ng blog.
Vote-me at HivePH
Hindi po ako puwede magturo ng kung sino ang mali pero may point ang isang article diyan. IMHO hindi kailangan alisin yan sa HivePH kailangan diyan revise. As a new member po or guest sa HivePH may advice lang po ako sa mga kapwa ko Pilipino. Kung ano po ang itninanim natin ngayon yoon po ang ating aanihin natin bukas (analogy). Cause and effect sa English.
The Future
Naniniwala po ako sa ating mga kakayahan bilang Pilipino, maliit pa lamang po ang ating community sa HivePH. Nakikita ko po ang future nito dahil manghuhula ako 🤣! Nakikita ko po na masaya at may peace of mind ang mga kapwa ko Pinoy dito pero kung may pagbabago sa iisat isa kabilang na po ako doon. Sa mga admin more HP to you! Sa mga delegators I salute you! Sa mga members na kagaya ko magreflect lang sa mga ginagawa natin dito sa community. Nakakatulong ba ako or ako lang nakikinabang?
WTH napakahaba na po nito as always God bless you all!