Jusayan Fitness
Hindi pumasok sa isip ko ang mag gym noon pa man yung mga barkada ko nag gym sila dati pero na stop din. Iba na ang kaalaman ko ngayon (health is wealth). Importante na ngayon para sa akin ang aking kalusugan inalis ko na ang alak (2 months clean na, goodbye empe bunso) inaalis ko na din ang pag yosi.
Meet businessman, owner and my trainer Jerome Jusayan. Napaka down to earth pero napakalaki ng mga muscles.
Guwapo no kung babae lang ako nagpacute na ako 🤣. Taken na po siya sorry.
1st week ko sa gym. This will be my last pic to share to you guys. Biglain ko nalang kapag may improvement na.
Rate per month. Personal trainer for 1 month 1,200 Php ($20).
Total 2,700 Php per person buti nalang nilibre ako ni @djccdigital ng 1 month salamat boss cap. If ever mapasyal kayo sa Calbayog City Samar at gusto ninyo pa autograph kay Mr. Jerome puntahan niyo lang ang kanilang FB page https://www.facebook.com/profile.php?id=100063680724321. On a serious note go to the gym ladies and gents wag puro PC at phone galaw galaw din.
Thank you Mr. Jerome Jusayan sa pag approve dito more power to you!
As always God bless you all!