Happy Independence Day! Malaya na nga ba tayo?

in Tagalog Trail7 months ago

Malaya na ba Tayo?

Maligayang Araw ng Kalayaan para sa Lahat ng Filipino! Pero ang tanong...
Malaya na nga ba tayo?

giphy.gif

Ang Philippine Independence Day na idineklara ni Aguinaldo noong June 12, 1898 ay kalayaan natin sa pagkakasakop ng Espana sa atin. Ang nagtataka lang ako ay bakit ito ang Independence Day natin samantalang nag palit lang naman ng bansang nakasakop sa atin.


Parang ibon sa petshop na ibinenta pero hindi naman talaga nakalaya kasi naka kulong padin sya sa hawla doon sa bahay ng bago nyang amo.

Ang totoong araw na naging malaya tayo sa pananakop ay noong Hulyo 4, 1946. Ito din ang Original na Petsa ng pag diwang ng Araw ng Kalayaan na pinalitan lang upang bigyang parangal si Emilio Aguinaldo sa mga ginawa nya para sa bayan.


So malaya naba talaga tayo?

Oo naman, malaya na tayo. May sarili na tayong Gobyernona namamalakad sa atin. Pwedeng sabihin ng iba na " Tuta naman ang bansa natin eh" Regardless kung sipsip tayo sa ibang bansa o hinde, malaya padin tayo.

Sobrang daming karapatan na meron ang bawat Filipino ngayon na hindi dinanas ng mga ninuno natin. Nadidinig ko lagi ang kwento ng lolo ko na isang US Veteran kung gaano kahirap ang buhay noon.

Parang ang option lang nila dati ay mabuhay araw araw kasi kahit na mag effort kapa sa buhay mo ay may limitasyon lang ang pwede mong marating sa buhay at 2nd class citizen ka lang.


Kahit na masipag ka mag work o mag negosyo ay hindi ganun kadali umasenso dahil ang policy ay hindi naka pabor sa ating mga Filipino.

Pero ngayon, malaya na tayo. Dati, ibang bansa ang tumitingin ng mababa sa atin, pero syempre, ngayon mga Filipino na ang tumitingin ng mababa sa kapwa nila Filipino. 🤣

Totoong may impluwensya padin ang banyagang bansa sa buhay natin pero choice na natin yun at tayo ang yumakap ng mga iyon.

Questioning Freedom

Happy Independence Day to all Filipinos! But the question is... Are we truly free?

The Philippine Independence Day declared by Aguinaldo on June 12, 1898, marked our freedom from Spanish colonization. What puzzles me is why this is our Independence Day when we only switched rulers.

It's like a bird in a pet shop that's sold but isn't really free because it's still confined to a cage in its new owner's house.

The real day we became free from colonization was on July 4, 1946. This is also the Original Date of the celebration of Independence Day that was changed to honor Emilio Aguinaldo for his contributions to the nation.


So are we truly free?

Yes, we are indeed free. We have our own government that governs us. Some may say, "Our country is just a puppet," whether we're sucking up to other countries or not, we're still free.

Every Filipino now enjoys so many rights that our ancestors didn't experience. I often hear my grandfather's stories how difficult life was back then.

It's like their only option was to survive each day because no matter how hard they worked, there were limitations to what they could achieve in life, and they were treated as second-class citizens.

Even if you were diligent in your work or business, it wasn't easy to prosper because the policies were not favorable to us Filipinos.

But now, we are free. Before, other countries looked down on us, but now, it's fellow Filipinos who look down on their own kind.

Foreign countries still have influence in our lives, but that's our choice, and we're the ones embracing it.

image.png

hr.png

All images are AI-generated using Bing Image Creator and edited using CapCut.

Sort:  

!MEME

Kailan kaya tayo lalaya sa kahirapan hahahhuhu untitled.gif

Hahaha! Kapag natangap na natin sa sarili natin na hindi ang maging mayaman ang purpose natin sa buhay. :)