Paano mo ba sinisimulan ang Linngo mo?

in Tagalog Trail7 months ago

Nagsisimula din ba ang lingo mo ng Sunday? Marahil yung iba sa inyo ay nag papahinga kapag Sunday pero ako, sa araw na ito nag sisimula ang Lingo ko.


image.png

Bakit? Dahil Sunday ang unang araw ng Lingo. Simula Biyernes ng Hapon hangang buong araw ng Sabado ay pahinga ako, Bilang Kristiyano, Prinaktis ko na ang araw ng Sabado ang aking pahinga kaya pag sapit ng Lingo ay trabaho na ako ulit.

So Paano ko sinisumalan ang Lingo ko?

Unang una ay nag papasalamat ako sa Panginoon sa bagong Lingo na binigay nya sa buhay ko, nananalangin din ako na gabayan nya ako na maging tama ang mga desisyon ko para sa lingong ito. (ang totoo, daily ko dinadasal ito)


Pagkatapos kong manalangin ay lalabas na ako sa Likod bahay namin kung saan nandun ang aming hardin at binibisita ko ang mga tinanim kong gulay at ibang halaman kung kumusta na sila. Ginagawa ko ito habang nag kakape.

Pagkatapos noon ay papasok na ako sa bahay at pupwesto sa aking Working Table at titingnan ko na ang mga dapat kong gawin para sa buong Lingo.

image.png

Madami akong ginagawa tuwing Sunday at isa na dito ayang pagtapos ng aking ginuguhit na sinusumite ko sa mga contest dito sa Hive.

Kahapon ay nag patuloy ako sa ginuguhit kong art work para sa "Splinterlands Weekly Art Contest" Unti unti lang kasi ang pagawa ko nito dahil umuubos ito ng oras.


Kahapon din ay nag post ako sa Social Media ng scheduled post para sa buong lingo ng mina manage ko na Facebook Page para sa aking employer.

image.png

Ina ayos ko din ang mga laman ng crypto ko at ini istake ko ang mga 2nd layer token ko sa araw na ito.

Ilan lang iyan sa mga ginagawa ko sa unang araw ng Lingo ko.


Madami pa akong ginagawa sa araw ng Linggo at ginagawa ko iyon dahil nang hihinayang ako sa araw na wala akong nagagawa.

Nakapag pahinga na namn ako ng buong araw ng Sabado at para sa akin ay kalabisan naman kung 2 araw akong nakahilata at hindi nagiging produktibo.

Syempre yung iba ay nag tratrabaho ng Sabado kaya para sa kanila ang unang araw ng Lingo ay Lunes.

Pero dahil hangang Biyernes lang ako nag tratrabaho, kaya kong gawin na ang unang araw talaga sa aking ng Lingo ay Sunday

At dahil ang opisina ay Lunes nag o operate, nakaka advance ako ng mga gawa dahil oneday ahead na ako sa trabaho. Hindi ako nag hahabol ng Oras pagsapit ng araw ng Lunes.

Sort:  

Sa ngayon daily grind ako halos 24/7 ang trabaho whether passive or earn income. Isa akong tagapamahala ng csr kaya open ang line ko 24/7 lalo na discord. Unti unti ay nakakainvest ako sa passive kaya balang araw ay mababawasan na ang oras ng aking pag ttrabaho. Araw araw ako nagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang dumarating sa akin.

Sipag! pero kung kayang mag pahinga, mag pahinga pa din.ano yung csr?

Customer Service Representative boss.

Ah.... 24/7 nga yan.

!MEME

Officially, linggo nga Naman Ang unang araw ng Lingo. Meron palang tagalog trail. Sa katunayan, marami tayong dapat ipagpasalamat sa Panginoon. Kung minsan, Hindi natin ito naiisip lalo na kung tayo ay gipit sa lahat ng Bagay.
At ang kwento ay ipagpatuloy ko sa aking unang Tagalog trail kaya sana ay wag ipagkait ang makikilala ko Rin kayo. Magandang Araw sa ating lahat!