Magandang balita ito!
Nabasa ko kaninang umaga ang magandang balita para sa Hive Blockchain ito ang pagkakaroon ng Lite Nodes at Lite Accounts.
LITE NODES
Tungkol sa Lite Nodes wala pa ako masyadong alam diyan hindi ako development may konti akong alam sa game development konti lang kasi ang trabaho ko ay CSR sa game. Kung gusto ninyo malaman ang dev portal ng Hive magbasa lang dito developers.hive io. Hindi ko nabigyan ng time ito dahil 1st week ko palang sa Hive nabusy na ako. Super thank you nga pala kay @ecoinstant inoffer niya sa akin ito (I will give this some time so I can learn thanks again brother!) kaya lang baguhan pa sa Hive kaya kapa kapa muna.
LITE ACCOUNTS
Ito ang isa sa importante para Hive Blockchain. Pagdating sa onboarding nahihirapan tayo lalo na sa Pilipinas mostly sa web2 sila nagfofocus. Pero kapag naimplement ito naku po sure ko marami tayo masasali sa Hive gamit nila ang web2 tapos magagamit nila ang web3 dba perfect!
HARD FORK!
As you know 2009 palang nasa crypto world na ako so noong unang tinidor ni BTC wala akong idea. Kasi nga noong panahon ni Lapu-Lapu HODL ka lang kapag may news makikita mo lang ito sa Reddit. Madalang lang mga tao noon sa Reddit specially Pinoy tapos crypto pa. Noong tinidor ulit labas si BCH doon ako naki marites sa mga kaibigan sa US, gumawa sila ng GC sa FB at sinali nila ako doon. Listahan ng tinidor ni BTC!
Pagdating sa Hive may roadmap na pala dito so pangalawang tinidor niya ito. Ito po ay sariling opinyon ko lamang. Gusto ko makita at malaman kung sino nga ba talaga ang suportado sa Hive Blockchain. Malapit na po ang tinidor basahin nyo nalang po ang buong article dito Hive Update.
As always God bless you all!