Maraming salamat kapatid at napili nyong iCurate ang aking artikulo.
Hindi madali ang pagharap sa nararamdaman kong sakit na tagos sa kaibuturan ng aking puso sa pagkawala ng aking bundong anak sa edad na 24. Nuong Nobyembre 12, 2023 lamang sya pumanaw. Bilang isang ina na inaalagaan ang anak na may kapansanan at tinanggap ko ang lahat. Matagal ko ng inihanda ang aking sarili na darating ang panahon na sya ay lilisan ngunit masakit pa rin. Dangan at nagpapasalamat ako na wala na syang mararamdamang sakit at mapayapa na sya kasama ang ating Tagapaglikha, ang Panginoong Diyos. Patuloy lng ang buhay at paggawa ng kabutihan. Muli, maraming salamat. Hayaan mo at bibisitahin ko ang inyong YouTube. God bless.